HINDI MAKATAONG SAHOD

“Filipino ang ngalan, nagkukulang sa kailangan, abuso ay hindi pa matuldukan, laging lugmok sa gahaman. Pilitin man na wasakin ang gitna kailanman hindi matitibag ang masang nagliliyab.”

Sa kasalukuyan, wala pa ring national minimum wage sa bansa. Ibig sabihin, iba-iba pa rin ang basic salary ng mga manggagawa sa iba’t ibang rehiyon. Sa NCR, kung saan may pinakamalaking populasyon, ₱537 ang minimum wage. Ito na ang pinakamataas sa buong Pilipinas. Sa ibang rehiyon, sa kasamaang palad, umiikot lamang ang minimum wage sa ₱300-₱400. Napakahírap at halos imposibleng maitawid ang mga pang-araw-araw na pangangailangan sa kakarampot na sahod.


Buti sana kung tumutupad ang mga employer sa itinakda ng batas na minimum wage, ngunit karamihan ay hindi. Ilang mga pabrika sa Valenzuela mismo ang nahuli ng lokal na pamahalaan na hindi nagpapasahod nang maayos at humihigit sa walong oras ang paggawa. Ang ilang mga malalaking kompanya naman ay iginigiit na nagpapasahod nang sapat, kahit pa napatunayang kulang at iligal ang halaga ng ibinabayad nila. Masahol pa rito, ang iilang mga propesyonal, kabilang na ang mga guro, ay sumasahod nang mababa sa minimum wage.

Sa mga probinsya naman, kung saan di-hamak na mababa ang minimum wage ngunit mas mahal ang cost of living, mas nagugupo sa kahirapan ang ating mga kababayan. Dahil rito, isinusulong ng mga labor rights groups, partikular na ang Kilusang Mayo Uno, ang national minimum wage. Hinihiling ng KMU na itakda na ng batas ang iisang minimum wage para sa buong bansa at itaas ito sa nakabubuhay na halaga – ₱750.

#Finally750 #TindigParaSaManggagawa #EndLaborAbuse

Video Credits to: Failon Ngayon, ABS-CBN News – June 2, 2018.

Leave a comment