KONTRAKTUWAL NA PAGGAWA, IBASURA

Matagal nang isyu sa bansa at sa karapatang manggagawa ang kontraktuwalisasyon. Pinananatili kasi nitong hindi regular ang mga manggagawa nang sa gayo’y makatipid ang employer at hindi na maging required na magbigay ng benepisyo.

Kapag ang manggagawa’y nananatiling kontraktuwal, wala siyang karapatan sa mga benepisyong SSS, PAG-IBIG, at PhilHealth. Bukod rito, mabilis lamang ang trabaho niya sa kaniyang pinapasukan at wala rin siyang tsansang ma-promote.

Ang kontraktuwalisasyon ay hindi makatao at nagpapahirap sa mga mahirap. Dapat dito ay gawing iligal, ano mang uri. Lahat ng manggagawa ay dapat magkaroon ng karapatan sa maáyos na sahod at mga benepisyo.

#ManggagawangKontraktuwalGawingRegular

Leave a comment