URING MANGGAGAWA, HUKBONG MAPAGPALAYA

Ang pagbubuo ng unyon ng mga manggagawa ay isang legal na karapatang pinoprotektahan ng konstitusyon. Ginagarantiya ng mga unyon na mapoprotektahan ang mga karapatan ng mga manggagawa nito. Kaya lamang, mukhang hindi yata alam ng mga malalaking komprador at mga nag-eempleyo na karapatan ito ng mga manggagawa. Kalimitan ay iligal na tinatanggal sa trabaho ang mga makukumpirmang miyembro ng unyon. Ang iba namang mga nag-eempleyo ay prayoridad kumuha ng mga grupo ng taong bawal mag-unyon dahil sa iba pang dahilan.

Ginagawa ng mga employer ang lahat ng kanilang makakaya upang wasakin ang mga maka-manggagawang grupo na mga ito. Maaalala natin ang naganap na Hacienda Luisita masaker kung saan pinatay ang 7 mag-uunyon mula sa CATLU at ULWU.

Mahalaga ang mga unyon upang maging collectivized ang pakikipaglaban ng mga manggagawa sa kanilang mga karapatan.

#StopKillingUnionists

Leave a comment